Ano
ang isyu?
Ang
isyu ay ang pagkalimot ng tao kay Rizal ngayon – sa kanyang mga kaugalian,
nagawa at pagmamahal sa bayan.
150
taong na ang nakakalipas simula ng ipinanganak si Dr. Jose Rizal. Sa
kanyang pamamalagi sa ating mundo ay nagbigay at nag-iwan siya ng mga kaugalian
na dapat pagyamanin at kanyang mga pilosopiya sa iba’t ibang larangan. Sa
kanyang pagkabuhay ipinakita niya kung gaano niya kamahal ang bansa at
ipaglalaban niya ang nararapat para sa inaasam-asam na kalayaan. Isa siyang
magandang halimbawa para sa ating lahat. Ngunit, nasaan na ba si Rizal sa
lipunan ngayon? Yung Rizal na may takot sa Diyos, pagmamahal sa bansa, kapwa ,
magalang, mapagmahal at may magandang kalooban.
Masakit
man isipin pero sa ngayon at sa aking opinyon kaunti na lamang ang mga Rizal sa
kasalukuyan. Marahil, siguro masaydong malayo ang pagitan sa panahon ni Rizal
at sa panahon ngayon kaya nakalimutan na nila ang kaugaliang ipinamalas ni
Rizal noong siya ay bata pa.
Simulan
natin sa mga kabataan ngayon. Kitang kita natin sa mga katabaan na hindi nila
taglay ang kaugalian ni Rizal noong siya ay bata pa. Kung meron man ay kakaunti
na lamang ito. Halimbawa na lamang, lagi silang nakadepende sa kanilang
magulang at kailangan pang sabihan o utusan pa bago tumulong sa mga gawaing
bahay. Iyan ba ang Rizal noon? Hindi, si Rizal noon ay matulungin sa kanyang
mga magulang. Pangalawa, parang wala silang paki-alam kay Dr. Jose Rizal – ang ating
bayani, mas inaatupag pa nila ang paglaro sa kompyuter kaysa sa magsaliksik
tungkol sa ating bayani o mag-aral para sa kanilang pagsusulit. At ang
huli, ang kabataan ngayon ay wala ng paggalang sa matatanda, minsan sinusuway
pa nila ang mga utos nito at sinasagot pa.
Sa
mga matanda naman ay wala na rin ang pagkakaRizal nila dahil nalason na ang
kanilang isipan sa magandang oportunidad sa ibang bansa, ang patuloy nilang
pagtatangkilik ng mga gamit na gawang ibang bansa at ang pag-iisip na mas
maganda sa ibang bansa at wala ng pag-asa ang Pilipinas. Kung ganito ang
kanilang iniisip, tiyak wala talagang mararating ang Pilipinas dahil walang
pagkakaisa.
Kaya
ang kabataan at ang ating mga mamamayan ay dapat magising at imulat ang
kanilang mga mata sa katotohanan – sa mga tamang asal at responsibilidad na
dapat gawin dahil ito ang tama at para sa ikabubuti natin at sa ating bansa. At
upang na din hindi mabigo ang ating bayani na ibinuwis ang buhay para sa ating
bansa para magkaroon ng pagbabago, kalayaan at kaunlaran na inaasam-asam.
By: Liezette P. Garduño