Huwebes, Oktubre 4, 2012

Ang Katutubong Wika at Kultura ni Jose Rizal


Ang Hindi Magmahal sa kanyang salita, mahigit pa sa hayop at malansang Isda”
Ito na marahil ang tinuturing na pinaka-overated na pahayag ng pagtulig at pagpapaalala sa ating mga Pilipino n gating pakahumaling sa kanluraning kultura. Di man natin maikakaila na nagging biktima ang Pilipinas ng dantaong Kolonisasyon mula sa mga dayuhan at marahil ito’y  nagging pangunahing sanhin ng paglihis natin mula sa ating sariling wika at kultura, hindi  na lang dapat ipagwalang-bahala ito. At sa puntong ito, aking ipapakita na maging si Jose Rizal, ang itinuturing nating pambansang bayani, na sa kanyang panahon ay isang akmang imahe ng ilustradong burgis na edukado at bihasa sa kanluraning idealism tulad natin sa kasalukuyan, ay hindi tuluyang nakalimot sa kanyang pinanggalingan at wikang kanyang kinalakihan.
Isa na marahil sa mga pinakamalaking debate sa mga iskolar na nag-aaral tungkol kay Rizal an gang paggamit ni Rizal  ng wikang Espanyol sa kanyang mga Obra at Nobela tulad ng Noli at Fili. Ang mga itoy tuluyang nagpaigiting sa argumentong si Rizal ay hindi talaga makabayan at walang malalim na pagkakaunawaan sa kanyang mga kababayan.
“ Si Dr. Jose rizal, ang bantog nating bayani, ay  siyang unang nakaisip tungkol dito ( wikang pambansa) at nagpahalaga sa mga likas na katangian Tagalog upang maging wikang pambansa ng Pilipinas.”
Isa rin sa layunin ng mga samahan ito ang pagkakaroon ng malaking lingwistikang pagaaral tungkol sa mga wika ng pilipinas at tuluyang pag-uuri nito.
Mula sa kanyang mga pagsusumikap na maipalaganap ang kayamanan ng Pilipinas sa aspetong kultura at pangwika, hindi rin nya nakaligtaang magsulat ng mga sulatin ukol sa panitikang tagalong para sa mabuting pagkakaunawa ng mga kanluraning.

At maliban sa kanyang obrang Noli at Fili na pawing nasususla sa wikang kastila nagsulat din siya siya ng ilang tula,sanaysay at maging isang nobela sa wikang tagalong. Saying lamang at umabot lamang sa unang kabanata ang kanya sanang ikatlong nobela, ang Makamisa.
Patuloy man siyang paratangan na isang radikal at ilustradong sa kanluraning konsepto, hindi maaring isiwalang bahala na lamang ang kanyang mga nagawa upang maipalaganap ang malalim na pagkakaunawaan sa tunay na esensya n gating pagka Pilipino na walang anumang malaking bahid ng kolonisasyon. Kanyang nabatid, kahit sa mumunting pamamaraan na mayaman ang pilipinas sa kanyang wika at kultura at kinakailangang malaman ito ng buong mundo ng may halong pagm            
                                                                                                     

                                                                                                                                  By:  Wilma Cayao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento