Lunes, Oktubre 8, 2012

Nasaan na si Rizal sa Lipunan Ngayon


Ano ang isyu?

Ang isyu ay ang pagkalimot ng tao kay Rizal ngayon – sa kanyang mga kaugalian, nagawa at pagmamahal sa bayan.
150 taong na ang nakakalipas simula ng ipinanganak si Dr. Jose Rizal.  Sa kanyang pamamalagi sa ating mundo ay nagbigay at nag-iwan siya ng mga kaugalian na dapat pagyamanin at kanyang mga pilosopiya sa iba’t ibang larangan.  Sa kanyang pagkabuhay ipinakita niya kung gaano niya kamahal ang bansa at ipaglalaban niya ang nararapat para sa inaasam-asam na kalayaan. Isa siyang magandang halimbawa para sa ating lahat. Ngunit, nasaan na ba si Rizal sa lipunan ngayon? Yung Rizal na may takot sa Diyos, pagmamahal sa bansa, kapwa , magalang, mapagmahal at may magandang kalooban.
Masakit man isipin pero sa ngayon at sa aking opinyon kaunti na lamang ang mga Rizal sa kasalukuyan. Marahil, siguro masaydong malayo ang pagitan sa panahon ni Rizal at sa panahon ngayon kaya nakalimutan na nila ang kaugaliang ipinamalas ni Rizal noong siya ay bata pa.
Simulan natin sa mga kabataan ngayon. Kitang kita natin sa mga katabaan na hindi nila taglay ang kaugalian ni Rizal noong siya ay bata pa. Kung meron man ay kakaunti na lamang ito. Halimbawa na lamang, lagi silang nakadepende sa kanilang magulang at kailangan pang sabihan o utusan pa bago tumulong sa mga gawaing bahay. Iyan ba ang Rizal noon? Hindi, si Rizal noon ay matulungin sa kanyang mga magulang. Pangalawa, parang wala silang paki-alam kay Dr. Jose Rizal – ang ating bayani, mas inaatupag pa nila ang paglaro sa kompyuter kaysa sa magsaliksik tungkol sa ating bayani o mag-aral para sa kanilang pagsusulit.  At ang huli, ang kabataan ngayon ay wala ng paggalang sa matatanda, minsan sinusuway pa nila ang mga utos nito at sinasagot pa.
Sa mga matanda naman ay wala na rin ang pagkakaRizal nila dahil nalason na ang kanilang isipan sa magandang oportunidad sa ibang bansa, ang patuloy nilang pagtatangkilik ng mga gamit na gawang ibang bansa at ang pag-iisip na mas maganda sa ibang bansa at wala ng pag-asa ang Pilipinas. Kung ganito ang kanilang iniisip, tiyak wala talagang mararating ang Pilipinas dahil walang pagkakaisa.
Kaya ang kabataan at ang ating mga mamamayan ay dapat magising at imulat ang kanilang mga mata sa katotohanan – sa mga tamang asal at responsibilidad na dapat gawin dahil ito ang tama at para sa ikabubuti natin at sa ating bansa. At upang na din hindi mabigo ang ating bayani na ibinuwis ang buhay para sa ating bansa para magkaroon ng pagbabago, kalayaan at kaunlaran na inaasam-asam.
 By: Liezette P. Garduño

1 komento:

  1. Casino (Casino) - DRM CD
    Information about casino (Casino) including 충청북도 출장안마 player complaints, 아산 출장마사지 ratings, games offered, The casino was built by a group 하남 출장안마 of gaming developers  Rating: 김포 출장안마 2 · 남원 출장샵 ‎2 reviews

    TumugonBurahin