Lunes, Oktubre 1, 2012


ANU NGA BA ANG PILOSOPIYA NI RIZAL SA USAPING EDUKASYON?

            Anu nga ba ang PILOSOPIYA? Maraming pwedeng ipakasakahulugan sa salitang ito, depende sa lalim ng paniniwala sa gawi ng pamumuhay. Para sa iba, ito ay malalim na basehan sa kung paano sila dapat magisip at umaksyon sa isang particular na bagay na aayon sa kanilang layunin. Isa itong usapin na may basehan na hango sa bawat karanasan ng isang indibidwal. Subalit paano nga ba magkakaroon ng PILOSOPIYA at PRINSIPYO ang isang tao na huhubog sakanyang katauhan at pakinabang bilang indibdwal at miyembro ng isang komunidad kung hindi natin babalikan at uunawain ang aspeto ng nakaraan?

            Isa sa pinakamagandang talakayin sa usaping ito ay ang ating bayani, si Dr. Jose Rizal patungkol sakanyang pilosopiya na nagbigay layunin sakanya na isakatuparan para sa Pilipinas. Hindi liban sa marami na ang edukasyon ang humubog kay Rizal upang bumuo ng mga hakbang para sa ikabubuti ng nakakarami, ginawa niyang sangkap ang lahat ng kanyang karanasan at natutunan upang makapagbigay ng kalinangan sa tao. Sa daming kanyang akda, temang panlipunan, politika, relihiyon o pangsakatauhan man, tila lahat ng ito ay may paksang tumatalakay sa edukasyon. Isang patunay na lamang ang kanyang nobelang NOLI ME TANGERE na ang pangunahing paksa ay sa sistemang edukasyon ng panahong iyon. Dulot nito ng mga kanyang ariling obserbasyon at karanasan na nais niyang aksyunan para sa ikabubuti at ikaaangat ng kondisyon ng bansa.

            Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan para sa lahat na walang sinusukat na ekonomikong posisyon nang tao para lang masabi kung sino lamang ang may oportunidad para makapag—aral. Maaaring noon ay pribilehiyong ang makapagaral, sapagkat ito na ang itinanim ng mga tao sa kanilang isipan, hindi sila gumawa ng paraan upang mabago ang kondisyong pangkomunidad, kung kaya’t nagpatuloy ang pananaw ng mga Espanyol na ang mga Pilpino ay tamad at mangmang. Ang karunungan ay hindi lamang bagay na maaring makuha at matutunan sa apat na sulok ng silid-aralan, ang edukasyon ay isang malawak na pagtuklas sa mga bagay bagay na makakahubog ng ating tunay na indibidwalismo sa ating sariling pamamaraan.

            Para kay Rizal, Edukasyon ang makakapagpalaya s tao. Makakapagpalaya sa hindi makataong dominasyon ng bansa. Nakukulong tayo sa limitadong sakop nito dahil hinahayaan natin. Para lang kahalintulad niyan ang kasabihang “May nangaapi, kasi may nagpapaapi.”.huwag natin hayaan na iasa na lamang sa mga nakatataas and  pagbabago at pag-unlad ng bansa at indibidwal, tapos ay isisi sa kanilaang mga bagay na sang katuhan naman ang may gawa.? Walang sino man ang makakasukat sa kung anu ang abilidad ng isang tao, kung anu ang maaring magawa nito, kung san ito patutungo, dahilang totoo;

“ANG PAGBABAGO AY MAGSISIMULASA ATING MGA SARILI’’

Esquivel, Sheilla May D.

1 komento:

  1. Sa aking nabasa, si Rizal ay mapagmahal sa edukasyon. Dahil alam niya na ang edukasyon ang ating sandata na hindi maaagaw nino man. Kaya naman labis ang pagmamahal ni Jose Rizal sa edukasyon kahit sa mga kapatid niya sinasabi na mahalaga ang edukasyon sa atin.

    Contributor, Christian Asencio
    www. OurHappySchool.com

    TumugonBurahin