Habang nakikipagkwentuhan ako sa mga bisita
ng aking ina, napansin ko na ibang iba na talaga ang panahon ngaun kesa noon
ayon sa mga kwento ng mga nakakatanda sa akin. Masyado na raw moderno ang
panahon ngayon at masyado ng pinapadali ang lahat ng bagay kesa noon na
kailangan mo munang paghirapan ng husto bago mo makuha marahil dahil na rin
siguro ito sa kakulangan ng mga kagimitan na makikita na sa kasalukuyan. Dahil
dito bigla ko na lang naisip na paano kaya kung sa modernong panahon nabuhay si
rizal? Ano rin kaya ang mga gagawin niya o masasabi niya sa mga kasalukuyang
nangyayari ngayon sa bansa? Magiging isang manunulat pa rin kaya siya o
magiging isang ordinaryong bata lamang siya na mahihilig din sa dota? May
potensyal kaya siyang maging isang magaling at mabuting presidente o magiging
isang kurakot din siya gaya ng ibang politiko? Magiging maunlad kaya ang ating
bansa kung sa modernong panahon siya isinilang? Magiging sikat din kaya siya
gaya ng mga artista? At kung saka-sakaling totoo ang haka-haka na bakla si
rizal, magiging kagaya kaya siya ni vice ganda? Ito ang ilan sa mga katanungan
na naglalaro sa aking isipan sa tuwing maiisip ko si rizal at ang makabagong
panahon.
Marahil
marami rin ang gustong makaalam kung paano mabubuhay si rizal kung sa panahong
ito siya isinilang. Bagamat alam natin ang naging buhay at kontribusyon ni
rizal para makamit natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon hindi pa rin
talaga natin lubos na nakikilala si rizal dahil na rin mismo ito sa mga
limitadong impormasyon na nakalap nung pumanaw na si rizal at dahil na rin sa
mga mananakop na pinilit itago ang katotohanan sa ating mga ninuno.
by: Jackylin L. Dela Cruz
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento