Sabado, Setyembre 29, 2012

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda… Whew!


Name, it is the most important information about ourselves. You cannot have your identity and some other information if you don’t have a name. Everything starts with your name. What’s the story behind your name? Every name has its own history but what is the story of Dr. Jose Rizal’s real name. We always discuss the life and works of Rizal but we never tackled about his name. Why did he choose Rizal as his surname and not his father’s last name which is Mercado?

The real name of our beloved Dr. Jose Rizal was Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Want to know the meaning of his name???

Doctor – his profession (Ophthalmologist)
Jose – It’s San Jose’s festival when he was born (it came from San “Jose”)
Protacio – It came from their calendar (also a saint)
Rizal – means “Racial” it is their main occupation it means “green fields”
Mercado – means “market” it indicates their Chinese merchant roots
Alonzo – came from his mother
Realonda – came from his auntie (ninang)

Knowing his real name how did he come up to Rizal not Mercado? During the Spaniards time Mercado was a hot name from them because of the history that Paciano has an encounter with. He changes his surname to protect his identity. He chooses to use Rizal (middle name) as his surname because it means “illustrado” during the Spanish era. Also, there is a law that indicates that Filipino’s should change their surname during that time.

                                                                                                                          By: Faraon, Katrina L.

REBULTO


        Sa tuwing ako’y naglalakbay hindi pwedeng hindi ako makakakita ng rebulto. Rebultong sumisimbulo sa mga taong matagal nang pumanaw. Mga ebultong hindi ko alam kung bakit naisipan pang ipatayo. At mga rebultong kadalasang imahe ng bayani ang tema. Ngunit sa lahat ng aking nakita, may isang rebulto ng bayani ang umangat sa ahat. Nakikita natin itong nakatayo sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Kadalasan itong nakapwesto sa harapan ng isang paaralan o di kaya samunisipyon ng isang bayan.  Ang inutukoy kong rebulto ay yung may hawak na libro at nakatingin sa malayo, ngunit sino nga ba ang rebultong ito?

Ang rebultong aking tinutukoy ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani na si Dr. José Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda, o “Pepe” for short. Sa aking buhay eskwela, hindi pwedeng hindi ko mapag-aaralan ang buhay niya. Hindi sa nagsasawa na ako, pero bakit ba kailangan paulit-ulit? Sa pagkakaalam ko hindi naman nag babago ang petsa ng kanyang kapanganakan at kamatayan, ang bilang nang kanyang mga kapatid, pangalan ng kanyang mga magulang at bilang nang kanyang naisulat na literatura. Pero bakit kailangang paulit-ulit nalang? Bakit?

Kung ating iisiping mabuti may dahilan kung bakit natin patuloy na pinag-aaralan ang buhay ni Pepe. Sa aking pananaw, pinag-aaralan natin ito dahil sa kanyang mga ideya at pilosopiya na naghahangad ng pagbagon ng bayan. Para maingganyo tayong makiisa sa mga gawaing pang publiko na naglalayong mapaganda ang sistemang panglipunan ng bansa. Bukod dito, patuloy nating pinag-aaralan ang buhay niya upang ituro satin ang importansya ng pagiging mabuting anak, isang responsableng estudyante, at pagkakaroon ng lakas ng loob naipaglaban ang alam nating tama. At upang mahikayat din tayo na mahalin at pagsilbihan ang ating bansa sa abot nang ating makakaya.

            Dahil sa mga nabangit kong dahilan kung bakit tayo patuloy na nag-aaral ng Rizal, ito na din marahil ang dahilan kung bakit siya ay nararapat na pagpatayuan ng rebulto. Ang rebulto ni Rizal ang magpapaalala sa atin nang kanyang kabayanihan at wagas na magmamahal sa bayan. At upang hindi natin makalimutan na may isang Dr. Jose Rizal na nagbuwis ng buhay para sa ikaka-unlad ng bayan.           
                          


                                                                                                                        By: KING LOUIS C. INGUITO

Biyernes, Setyembre 28, 2012

INSPIRASYON ng mga Pilipino: JOSE RIZAL


            Maraming naiambag sa ating kasaysayan si Jose Rizal, katulad na lamang ng kanyang dalawang immortal na mga nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na syang nagpaalab sa mga damdamin at nag mulat sa mga mata ng mga Pilipino upang mag aklas laban sa pamahalaan ng espanya. Marahil nga ito ang dahilan kung kaya’t siya ang itinakdang pambansang bayani ng ating bayan. Ngunit ano nga ba talaga ang batayan ng isang pambansang bayani? Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na ito ay isang tao na makapag-papaaalab ng pagiging makabayan nating mga Pilipino.

               Bata palang  ako ay siya na ang paksa ng mga leksyon sa paaralan kapag pagiging makabayan ang usapan. Saakin bang palagay ay siyanaang ULTIMATE of the HEROES na para bang naisasantabi na ang iba pang mga bayani kung sa mga achivements din lang ang paguusapan. Subalit isa nga ba syang tunay na makabayan? Habang pinagaaralan ang buhay nya at pagkatapos manuod ng mga dokyumentaryo ukol sakanya, naging question sa akin ang kanyang pagiging makabayan, ito ay sa kadahilanang mas ininais nya ang reporma kaysa sa rebolusyon. Marahil nga ang kanyang mga nobela ang syang inspirasyon ng katipunan ngunit, ang hinangad nya para sa bayan ay maging isang probinsya lamang ng espanya kaysa maging independyente. Mas mabuti nga kaya ang kanyang solusyon noong mga panahong iyon? Hindi ba mas mainam na tumayo tayo sa ating sariling mga paa?

          Sa aking palagay tayong mga Pilipino ay may kakulangan sa ating pagiging makabayan. Let’s face the fact. Masasabi bang makabayan ang mga kurako na pulitiko? Makabayan ba tayo kung mas tinatangkilik at mas may WEIGHT satin ang produktong imported? Bakit ba mas may dating satin kapag may halong ibang lahi ang mga artista ng napapanuod sa local na telebisyon? Bakit hindi purong Pilipino ang ating pambansang bayani? Ang pambansang bayani ay isang inspirasyon at sa ngayon kung ako ang tatanuning, Jose Rizal does not fit the job. 

By: LIANA JECYNTH  LIM

Si Rizal at ang kanyang Dalawang Aklat: NagmulatsaIsangBayangNahihimbing. . .


Sa loob ng mahabang panahon ang ating bansang Pilipinas ay napasailalim ng mga mananakop na Kastila. Sakanilang unang pagdating ipinagtanggol ni Lapu-Lapu ang ating bayan sakanilang pagyapaksa Cebu ngunit dahil sa ang bansa ay binubuo ng maraming kapuluan ay nakapasok ang mga banyaga at tuluyan nila tayong sinakop. Noong simula ay tinuruan nila tayo ng Relihiyon: ang pagkakaroon ng paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Tinuruan din nila tayong marami pang mga bagay hanggang sa umabot sa puntong pagmamalabis at pang-aabuso sa atin ng tunay na mamamayan ng ating Bayan.
Sa mga pagmamalabis na ating naranasan marami ang nag-isip na lumaban, ang mag aklas at ang iba naman ay nagtiis na lamang at nanahimik sa kanilang mga kalagayan. Nahihimbing na ang isang baying malaon ng natutulog. Nanahimik ang lahat sa mahabang panahon. Nang dumating ang araw na gumawa ng ingay ang mga aklat na gumising sa kamalayan ng nakararami.
Si Rizal ay hindiisang “Super Hero” nabigla na lamang dumating upang iligtas ang mga naapi. Wala siyang kapa at sandata, walang kakaibang kapangyarihan: ang mayroon siya ay ang kakaibang kapangyarihan ng kanyang isip at ang kanyang andata ay pluma at tinta.
Naniwala si Rizal sa isang mapayapang pamamaraan ng pagkilos laban sa mga Kastila. Kaya’ tinakda at isinulat niya ang Noli Me Tángere at El Filibusterismo. Dalawang aklat na gumising sa kamalayan ng tunay na estadonang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Kastila.
Ang Noli Me Tángere ang isang nobelang isinulat ni Rizal na hango ang pamagats a Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong salingin”. Tinalakay ditto ang estadong tinaguriang “Social Cancer” noong mga panahong iyon. Sakit na unti-unting kumikitil at pumapatay sa lipunan at sa ating bayan. Gumuhit sa kasaysayan ang aklat na ito dahil sa pamamagitan nito ay namulat ang kamalayan ng mga tao na kinakailangan nila ng pambansang pagkakakilalanlan. Hindi lamang dapat sila sumunod sa mga mananakop bagkus sila din ay kapwa may karapatan sa Pilipinas dahil ito ay kanilang banyang tinubuan.
Sinundan ng El Filibusterismo ang Noli Me Tángere ang isang pang akat na isinulat ni Rizal. Ang titulong El Filibusterismo ay mangangahulugang “Ang Paghaharing Kasakiman”. Ang aklat na ito ang karugtong ng Noli Me Tángere. Mas pinasidhing aklat na ito ang hangaring magkaroon ng kalayaan mula sa mga mananakop at ipaglaban ang tunay nilang karapatan sa kanilang sariling bayan. Tinalakay ditto ang estadong pampulitika ng mga panahong iyon at tunay nitong kalagayan. Ang mas mataas na kapangyarihang mayroon ang Simbahang Katolika kaysa sa Estado ng Pamahalaan. Mas lalo nitong pinukaw at ginising ang isang baying malaon ng natutulog at nahihimbing sa matagal ng panahon.
Pinatunayan ni Rizal na hindi lamang sa pamamagitan ng bala  at baril ang paraan ng pakikipaglaban sa mga mananakop. Ang karahasan ay hindi lamang ang paraan.  Sinalamin ng Noli Me Tángere at El Filibusterismo ang tunay na kalagayan ng ating bayan sa ilalim ng pamamahalang mga Kastila. Isinalaysay sa atin kung paano tayo ay inalipin at inapi sa ating sariling bayan. Nag-ukit ng malalim na sugat ang mga pagmamalabis na ito na iyang mas pinasidhi ang hapdi at kirot ng mga aklat na ito upang magising ang bayan. Nahimbing sa mahabang panahon ngunit ng magising ay handa na itongl umaban at ipagtanggol ang mga nararapat para sakanila at ang kanilang karapatan sa sarili nilang bayan.
Sa panulat na ito ni Rizal umani man ng batikos at humantong sa kanyang kamatayan ang lahat. Nagsilbi itong malaking instrumentong kamalayan at iminulat nito ang mga mata natin sa ating tunay na kalagayan. Inibig ng Rizal ang Pilipinas na kanyang sariling bayan ngunit ang pag-ibig na ito ay hindi niya sinarili bagkus ay kanyang ibinahagi sa kanyang kapwa mamamayan. Pag-ibig ang gumising sa kanyang mga kababayan.
Nagbangon na mula sa pagkakatulog ang Pilipinas: panahon na ngayon ng pagkilos, pagkakaisa, at pagsulong nang ating baying nagising na sa kanyang malaong pagkakahimbing!.
By: jastine crisino manesca

“DOES RIZAL DESERVE TO BE A HERO?”


          Isang katanungan na kahit sino sa ating panahon ay sasangayon lalo na sa panahon na kinabibilangan natin ngayon, kung saan ay kilala na kung sino talaga si Rizal. Malamang sa malamang kung magtatanong tayo ng sandaang katao ay walang anoano ay sasangayun sila. Isa marahil sa mga kadahilanan ay ang paulit ulit na pagtuturo satin tungkol sa buhay ni rizal at ang mga mabubuting naambag niya sa ating lipunan. Di man sabihin ng ilan eh halata namang papabo sila sa tanong na ito.

    Pero ang sa akin lang eh bakit di masyado binibigyan ng pansin ng ating lipunan ang katotohanan na di lang naman si Rizal ang bayaning nagbuwis ng kanyang buhay, para lamang maialis sa kasadlakan ang ating bansang tinutubuan, marami pa ang may karapatang mahirang na bayani. Sa panahon natin ngayon iilan na lang ang kilalang bayani natin at ang kinikilalang mga tao bilang isang bayani. At ang pinakamabigat na kadahilanan ay ang katotohanan na wala naman kasi masyadong pinagbago ang stado ng ating bansa mula noon hanggang ngayon, naririyan parin ang kahirapan at ang pagiging sunod sunuran ng ating pamahalaan sa impluwensiyang may kapangyarihan.

                                                                                                                    by: REGIE T. ENGRACIAL

Lunes, Setyembre 24, 2012


Past is Past
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”
(Applicable ba? Hehehe)

Ilang minuto na ang nakakalipas, at ilang minuto ko na din kaharap ang laptop na’to wala pa din akong maisip na i-type tungkol kay Rizal. Bukod sa naunahan ako sa paksang gusto kong talakayin eh talagang hindi nagana ang utak ko.
Titig sa blangkong papel na kaharap ko (Microsoft Word)
ALT-TAB papunta sa Facebook.
ALT-TAB ulit sa Microsoft Word.
ALT-TAB ulit sa Facebook tapos Twitter.
Kusot ng mata, comment dito comment doon.
Like dito, like doon.
Tweet dito, tweet doon.
                Ang hirap naman -__________________________- Ano ba kasing magandang talakayin dito? LIMOT ko na kasi yung mga napag-aralan ko tungkol sakanya.
Ang sitwasyong ito ay kawangis sa realidad. Madalas kong maisip na ang pag-aaral ng Rizal ay sabit lamang sa mga subjects na mayroon ako, lalo na nung highschool. Madalas pa nga akong magreklamo dahil sa tambak na mga dates na kailangan kong kabisaduhin upang makapasa. Lagi naming sambit: “Ano bang maitutulong nito, pag nag doctor ba ako tatanungin ako ng pasyente ko kung kelan namatay si Rizal?” at ang mga katagang: “Di naman makakatulong to sa course ko!”
                Ito marahil ang dahilan kung bakit karamihan sa’ting mga pinoy eh mayroong National Amnesia. May napanood kasi akong documentary na tinatanong nya ang mga tao tungkol kay Rizal at mali ang mga sagot. Oo nakakatawa, pero kung ating titignang mabuti, parang nakakasama naman ng loob. Moderno na kasi masyado tayo ngayon, ang alam nalang natin eh Facebook: comment, like, share… Twitter: tweet, favorite, retweet… at iba pa! Pero pag tinanong tayo kung kalian ang birthday ni Rizal eh NGANGA ang masasagot natin, malalaman nalang natin na kaarawan nya kapag walang pasok kasi holiday, doon lang tayo magiging aware…KAMUSTA NAMAN?!
                Sinusubukan kong ilagay ang sarili ko sa katayuan ni Rizal, kung buhay man sya ngayon malamang sasama ang loob nya sa’ting mga Pilipino, pero satingin ko PATULOY PA DIN ANG KANYANG PAGLILINGKOD SA PILIPINAS at ito ang gusto iparating ni Rizal sa atin. Sa aking palagay, kaya natin pinag-aaralan si Rizal ay upang matuto tayong maging makabayan. Iminunumulat nya tayo sa realidad at tinuturuan tayong lumaban para sa kalayaan. Isinusulong nya ang tama sa mali. Hindi naman ito para sa dates lang eh, ito ay para sa’ting mga Pilipino at sa ikagaganda ng bansang ito. 

Nuisa, Aylyn SC.

Linggo, Setyembre 23, 2012


               Ang buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ay nagsilbing patnubay sa lahat ng Pilipino at sa kabataan tulad ko. Sa mga nobelang kanyang mga nailathala ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang mga librong ito ay nagtataglay ng mga gintong kaisapan, walang kapantay na pag-ibig sa bayan at ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan. At dito masasabi natin na mas nakilala ang ating bansa dahil sa dami ng bansa kanyang napuntahan at doon din makikita na siya ay nakilala sa ibat-ibang panig ng daigdig lalo na ang bansa Europa.

            Meron pa kayang hihigit sa ating pambansang bayani sa kadakilaang kanyang ginawa? Ngayon, Pasasalamat! Pasasalamat ang nais kong ipahayag sa kanya dahil sa kanyang taglay na katalinuhan, pananaliksik at paglalakbay upang maisagawa ang kanyang pagibig sa bayan at dahil dito nakamtam natin ang demokrasyang ating hinahanap. Sa pagmulat sa ating kababayan na kung ano nga ba ang totoo kalagayan ng bansa at maunawaan ang pagdudusta at pang aalipin ng mga dayuhan sa ating mga ninuno at matutong ipaglaban kung ano ba ang dapat para sa nakakarami at lalo na kay Inang Bayan.
         
   Sana matutunan din natin masuklian ang paghihirap ng ginawa ng mga bayani sa ating bansa. Hindi man sa pagsulat o pakikipaglaban gamit ang dahas kundi ang mas kilalanin at mas pagyamanin at pagunlarin pa natin ang ating
bansa kahit sa pagbabasa lamang ng tungkol sa kanila upang dagdag kaalaman kung sino ba sila at kung ano ang kanilang ginawa para sa atin.

By: Sheryl Abudanza

Siguro pagbuhay pa si rizal ngayon marmi siyang babae ngyon o kya iba iba yung asawa niya ngayon at marami siya anak ngyon sa ibat ibang babae. Baka natpos niya rin ang ikatlong nobela niya ngayon na makamisa task siguro sa tingin ko po kung buhay pa siya hnggng ngayon gganda yung bansa natin, siguro ngayon yung mga kabataan ngayon hindi maaga ngaasawa, maraming din siguro kabataan ngayon nakkapagaral at mapagtpos sila ng pagaaral. Si jose rizal siya ang bayani ng pilipinas alam niyo kung bakit ah? kasi ganito yung pinaglaban ni Rizal ang ating bansa sa mga kastila hindi niya ito pinabayaan at isa p mahal na mahal niya ang sariling wika niya. Naniniwala si rizal na ang kabaataan ay pagasa ng bayan sa oras kasi ni rizal mga kabataan responsibility  yung araw na yung nga po. Si rizal ay mabait na anak at mapagmahal sa bayan , matulongin sa kapwa.


By: Danao

Biyernes, Setyembre 21, 2012

SI RIZAL BILANG BAYANI


Kung si Dr Jose Rizal ay buhay, siguro ay hindi siya magiging isang bayani. Bakit? Dahil kinilala lang naman sya bilang "bayani" pagkatapos siya patayin ng mga Espanyol. Itinuturing bayani ang isang tao kapag ito ay namatay na.
SI RIZAL BILANG BAYANI: Ang ganitong parangal ay nararapat lang na ibigay sa isang taong naglingkod sa bayan ng walang pag-iimbot at nagpamana sa lahing Pilipino ng mga turo at aral na nagpapatuloy magpakailanman. Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung ihahambing siya kay Bonifacio ay malayung-malayo ang agwat nila pagdating sa talas ng pag-iisip. Matalino ang ating pambansang bayani. Katunayan dito ay ang mga nobela at mga akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito. Mahusay siyang mag-isip at madaling matoto sa ibat-ibang bagay. Siya ay isang dakilang tao, maraming talento at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng bayani sa buong mundo ay bukod tanging ang buhay niya ang may pinakamaraming naitala sa kasaysayan. Katunayan, hindi sasapat ang isang araw para pag-usapan ang kanyang buhay. Sa kolehiyo ay isang asignatura ang inilalaan para pag-aralan ang kanyang buhay sa loob ng isang semestre. Marami pang natatanging katangian ang ating pambansang bayani. Marami pang mahahalagang bagay ang kanyang nagawa. Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa buhay niya. Pero ang mahalaga sa lahat ay ang makilala siya bilang isang huwarang Pilipino pagdating sa paglilingkod sa bayan, bilang isang mamamayan na marunong lumaban sa mga mapang-api sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at isang bayani na karapat sa kanyang kinaluluklukan. Si Jose Rizal ay isang tao rin katulad natin. Ang katulad niya pagdating sa katangian ang malaking kulang sa ngayon sa ating mga Pilipino. Bawat isa ay maaring maging bayani katulad niya. Maaring hindi na siya mahigitan ninuman sa kasalukuyan, ngunit ang mahalaga ay ang maging kaisa niya pagdating sa isip, sa salita at sa gawa para sa kabutihan ng bayang pilipinas.
Ano kaya ang buhay ni Rizal kung hindi siya ang tinaguriang bayani? Paano kaya kung nag kaanak si Rizal sa lahat ng mga babaeng naging parte ng buhay nya? Ito ang mga katanungang gusto kong masagot.
Sinasabing si rizal ay isang palikero simula noong siya ay labinlimang taon. kahit na ang unang batang babae sakaling mahuli ang mata ng batang Pepe na si Julia. Nakita niya ang isang maganda, batang babae suot ang pulang palda na sinusubukan upang mahuli ang dalawang Paru-paro. Ito nga si Julia. Jose at Julia ay musmos pa lamang at masyadong batang at inosente upang magkaroon ng tunay na relasyon sa oras na iyon, kaya sila ay nagkahiwalay. Dito ay masasabi na nating palikero talaga si Rizal sa panahon niya. Kung si Rizal ay hindi bayani siguro ay isa siyang ama. Isang  ama na may simple at mapayapang pamumuhay. At doon na nagsimula ang kwento ng buhay pag ibig ni Rizal habang siya ay lumalaki.
 Para sakin siguro para siyang si “DOLPHY”. Isang responsableng ama at may mabait na kalooban. Na sa bawat problemang haharapin ay dinadaan lang sa tawa. Nagka roon man ng maraming babae sa kanyang buhay at nag karoon ng mga anak. Ang lahat namang ito ay nabigyan niya ng pansin at nag karoon ng pantay-pantay na pagtingin. Minahal ang mga anak at maraming tao ang pinasaya. Ayan si Rizal para sa akin kung siya ay nabubuhay at hindi naparangalang bilang bayani ng ating bansa. At katulad din ni Rizal noong namatay na si Dolphy saka siya binigyan ng parangal sa ating bansa. Na noong nabubuhay pa lamang ay nagbigay na ng magandang impluwensya sa atin. At hanggang ngayon na sila ay namatay na patuloy na may mga bagay na nagpapa alala sa atin noong sila ay nabubuhay pa lamang ang mga kabutihang kanilang ginawa sa ating bansa. Bilang isang PILIPINO.

by: Arlynn Raquel

Miyerkules, Setyembre 19, 2012

Jose Rizal: Ang Lalaking Chicks


“Chicks!!! Whooo! Chicks!!” Madalas kong marinig ang mga salitang ito sa mga lalaking mahilig magpapansin sa mga babaeng karaniwan ay kakilala naman nila. Yung tipong dumadaan ka lang, tatabi sila tapos tatawagin kang chicks with matching sipol pa tapos yung iba mapapatingin na lang sa iyo. Sa totoo lang nakakabwisit kaya yung ganun, mukhang tanga lang sila. Kaya bilang ganti pag may pagkakataon ginagawa ko rin sa kanila yun para maramdaman naman nila yung nararamdaman ko kaso parang wala lang, parang natutuwa pa nga sila eh. Hanggang sa makasanayan ko ng palaging gawin ito sa mga kaibigan ko tuwing nagmamaganda sila, mapababae man o lalaki o alanganin.

Kaya naman tuwing mapag-uusapan ang ating pambansang bayani ay hindi maaaring mawala sa paksa ng kanyang buhay ang pagiging palikero niya. Akalain mo yun, isang patpating lalaki na may kalakihan ang ulo nagawang magpa-ibig ng maraming kababaihan. Minsan tuloy naiisip ko kung sa panahong ito kaya nabuhay si Rizal, katulad din kaya siya ng dati na habulin ng mga chicks. Ano nga kayang meron si Rizal at nahumaling sa kanya sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga, O Sei San, Gertude, Nelly Bousted, Suzanne Jacoby at Josephine Bracken?

          Dahil imposible namang may buhay pa sa kanila para sana mausisa ng mga katanungan ko tungkol kay Rizal. Iisa-isahin ko na lamang ang ilan sa mga katangian ng ating pambansang bayani na maaaring nakatulong ng malaki para siya ay maging isang “lalaking chicks”.

          Rizal ang Mama’s Boy: Siguradong marami sa mga babae ay nati turn-off pag nalalamang mama’s boy ang isang lalaki. Sino ba namang hindi? Parang ang dating kasi ay wala siyang “backbone” o sa madaling salita hindi marunong tumayo sa sariling paa. Ngunit taliwas dito ang naging pagkatao ng ating pambansang bayani. Sa halip siya ay lumaking may paninindigan hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi maging para sa bayan. Ang pagmamahal at pagmamalasakit ng kanyang ina ay isa sa mga dahilan kung bakit gayon na lamang ang pagmamahal ni Rizal sa ating bayan. Dahil para sa kanya ang bayang Pilipinas ay ay nararapat lamang ituring na ina ng bawat Pilipino. Marahil isa ito sa nagustuhan ng mga babae kay Rizal, dahil naramdaman nila na marunong siya magmahal ng totoo at wagas.

          Rizal ang manunulat: Sino ba namang babae ang hindi kikiligin kung may isang lalaking mag-aalay ng isang tula na ginawa niya para sayo? Sabi nga nila madaling mahulog ang loob ng isang babae sa isang lalaking may matamis na dila. Idagdag pa ang kanyang pagiging nobelista at mga makabuluhang artikulo na isinulat, patunay lamang na mayroon siyang malawak na pag-iisip. Isipin niyo na lang kung anong klaseng panunuyo ang ipinamalas niya sa mga naging kasintahan niya gamit ang mga katangiang ito.

          Rizal ang edukado: Wala naman sigurong babae na hindi nangangarap ng isang lalaki na may mataas na pinag-aralan. Lalo na kung katulad ni Jose Rizal na bukod sa nakapag-aral sa mga kilala at pribadong eskwelahan sa ating bansa ay nagawa ding makipagsapalaran at makapag-aral sa ibang bansa. Idagdag pa ang iba’t-ibang mga kaalaman at katangiang tagalay niya katulad ng pagiging doktor, manunulat, linguistic, philantrophist at naging mabisang inspirasyon sa maraming Pilipino at maraming pang iba.

          Sa huli, batid ko na mahirap pa ding makahanap ng konkretong sagot sa ating mga katanungan tungkol sa ating pambansang bayani. Pero kung ako ang tatanungin mas mabuti na sigurong hindi natin lubos na maunawaan ang ibang mga bagay tungkol sa kanya. Sa ganitong paraan mapapanatili niya ang ika nga ay “mysterious side” niya. Hindi ba isa ito sa mga nagugustuhan ng ibang babae sa mga lalaki ang pagiging misteryoso nila. Yung tipong kala mo alam mo na lahat pero hindi pa pala, at least hindi siya boring kase andun pa rin yung thrill and excitement na kilalanin siya ng paulit-ulit.

 By: Nikki Bayona


Rizal Made History or History Made Rizal?


Sinubukan kong tanungin ang mga kakilala ko tungkol dito at nakakalungkot na hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi nakakaalam ng tamang sagot sa katanungan na ito. Hindi ko rin naman sila masisi dahil may iba- ibang pananaw ang bawat isa at hindi naman lahat ay napaliwanagan tungkol sa buhay ni Rizal simula pagkabata hanggang sa kanyang pagkamatay.

            Ano nga ba talaga ang sagot? Sabi nila “Rizal made history” dahil sa mga nobela ni Rizal namulat ang kamalayan ng mga Pilipino at nagbunga ng mga pag-aalsa laban sa mga mananakop. May punto sila, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na insinulat ni Rizal ay malaking parte ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa katunayan ay nakilala rin ang mga nobelang ito sa ibang bahagi ng mundo at naisalin sa iba’t ibang wika.



            Ang Noli Me Tangere ay hango sa “Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe. Inilarawan ni Rizal sa Noli Me Tangere ang kalupitan ng mga dayuhan at prayle sa mga Pilipino. Samantala, ang El Filibusterismo ay pumapaksa sa paghihiganti ni Simoun laban sa gobyerno ng Kastila. Pero bakit nga ba isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Ginawa ni Rizal ang Noli Me Tangere para maipakita sa mga Kastila na handa siyang ipagtanggol ang bansa gamit ang mga salita. Inialay naman ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong paring martir. Ang pagpatay sa GomBurZa ang isa sa mga naging dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo ng mga Pilipino, isa na nga rito si Rizal. Sumulat din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad dahil gusto niyang magkaroon ng pantay na pagtrato ang mga Kastila sa Pilipino. Ibig sabihin naimpluwensyahan si Rizal ng mga pangyayari noon para siya maging isang bayani sa madaling salita, “History made Rizal”.           



By:  Rosel Beata B. Balaga


Rizal as a National Hero

"The pen is mightier that the sword"

            That is one of the sayings we heard about rizal, rizal is just only writing so that he can express his feelings through the way that filipinos are the one that opened the eyes of all the filipinos and gave them the courage to fight, even Andres Bonifacio look up to rizal as his hero that's why even if he didn't physically fought, he became a national hero.

           Rizal became a hero for his published works that openly critized the government. His imprisonment and death inspired the people to act. Actually, Filipinos before idolized rizal rather than bonifacio and aguinaldo because of his works which are the noli me tangere and  El Filibusterismo. 





Through his works, Rizal was able to revolutionize the way that the Filipino thought. That is another reason why Jose Rizal is the national hero of the Philippines. Even without making rousing speeches or bold declarations, he was able to stir the people’s inner spirit.

He showed that without killing another man, one can fight oppression. He also demonstrated how the power of the pen could be stronger than the sword. He also showed how someone could bring about change without resorting to violence.

Dr. Rizal was a peace-loving man, and in his books, he made all the revolutionary efforts of his characters fail utterly. He believed that the peaceful way of reform was the way to change the status quo in the Philippines then. He surmised that there were intelligent and willing listeners in "Mother Spain," who would be willing to make the necessary changes in the colonial government so that the Philippines could reach its fullest potential. Dr. Rizal and his allies fought for the recognition of the Philippines as a province of Spain. They actively reiterated in their efforts and in their written works that

(1) Spaniards and Filipinos must be treated as equals;

(2) Filipinos must have a representative to the Spanish "Cortes" or Legislature;

(3) The parishes in the Philippines must be given to secular priests, and not to religious orders; and

(4) Filipinos should be given the freedom of speech, freedom of the press, and the right to fair trial. Above all these, Dr. Rizal and his compatriots lobbied for the removal of the religious orders in the Philippines, which they identified as the cause of the nation's backward state.


By: Jonjie Sasutil

Biyernes, Setyembre 14, 2012

“Ang Bagong Rizal”


“We die only once and if we do not die well, we lose a good opportunity which will never come up again.”

Ito ay isa sa mga nabanggit ni Rizal sa kanyang liham kay Mariano ponce na nakakuha ng aking pansin. Kung buhay pa siguro si Rizal sa panahon natin anu-ano kaya ang kanyang mga gagawin, interest,  at hakbang upang mapabuti ang kanyang sarili at ang kanyang bayan? Magkaka-asawa  kaya siya o itatanan niya ang kanyang iniirog? Uso naman kasi ang leave in partner ngayon. Idadaan kaya niya ang kanyang pangliligaw sa pagtetext o panghaharana?

Kung si Rizal ay magiging isang opisyal ng Gobyerno at magsasalita sa harap ng maraming tao, magpapatawa kaya siya at babanat ng mga pickup lines na patok sa masa kasi karamihan ng mga pulitiko ay idinadaan na lang sa pagpapatawa ang laban upang manalo sa boto ng tao at pag nanalo na ay babawiin lahat ng kanilang na gastos sa kaban ng bayan.

Siguro maaadik din si Rizal sa paglalaro ng computer games kasi halos lahat ng tao ngayon marunong na gumamit na computer. Marami din siguro siyang hinihingiang number ng babae kasi noon pa man marami na siyang naging karelasyon panu pa kaya ngayon na lalo pang dumami ang mga magaganda sa paligid, siguro hindi siya magpakali sa kakaisip sa kanyang mga babae. Kung si Rizal ay buhay pa ngayon sino kaya siya para sayo.

By: Viernes, Virgilio Ullyses C.