Biyernes, Setyembre 28, 2012

“DOES RIZAL DESERVE TO BE A HERO?”


          Isang katanungan na kahit sino sa ating panahon ay sasangayon lalo na sa panahon na kinabibilangan natin ngayon, kung saan ay kilala na kung sino talaga si Rizal. Malamang sa malamang kung magtatanong tayo ng sandaang katao ay walang anoano ay sasangayun sila. Isa marahil sa mga kadahilanan ay ang paulit ulit na pagtuturo satin tungkol sa buhay ni rizal at ang mga mabubuting naambag niya sa ating lipunan. Di man sabihin ng ilan eh halata namang papabo sila sa tanong na ito.

    Pero ang sa akin lang eh bakit di masyado binibigyan ng pansin ng ating lipunan ang katotohanan na di lang naman si Rizal ang bayaning nagbuwis ng kanyang buhay, para lamang maialis sa kasadlakan ang ating bansang tinutubuan, marami pa ang may karapatang mahirang na bayani. Sa panahon natin ngayon iilan na lang ang kilalang bayani natin at ang kinikilalang mga tao bilang isang bayani. At ang pinakamabigat na kadahilanan ay ang katotohanan na wala naman kasi masyadong pinagbago ang stado ng ating bansa mula noon hanggang ngayon, naririyan parin ang kahirapan at ang pagiging sunod sunuran ng ating pamahalaan sa impluwensiyang may kapangyarihan.

                                                                                                                    by: REGIE T. ENGRACIAL

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento