Biyernes, Setyembre 28, 2012

Si Rizal at ang kanyang Dalawang Aklat: NagmulatsaIsangBayangNahihimbing. . .


Sa loob ng mahabang panahon ang ating bansang Pilipinas ay napasailalim ng mga mananakop na Kastila. Sakanilang unang pagdating ipinagtanggol ni Lapu-Lapu ang ating bayan sakanilang pagyapaksa Cebu ngunit dahil sa ang bansa ay binubuo ng maraming kapuluan ay nakapasok ang mga banyaga at tuluyan nila tayong sinakop. Noong simula ay tinuruan nila tayo ng Relihiyon: ang pagkakaroon ng paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Tinuruan din nila tayong marami pang mga bagay hanggang sa umabot sa puntong pagmamalabis at pang-aabuso sa atin ng tunay na mamamayan ng ating Bayan.
Sa mga pagmamalabis na ating naranasan marami ang nag-isip na lumaban, ang mag aklas at ang iba naman ay nagtiis na lamang at nanahimik sa kanilang mga kalagayan. Nahihimbing na ang isang baying malaon ng natutulog. Nanahimik ang lahat sa mahabang panahon. Nang dumating ang araw na gumawa ng ingay ang mga aklat na gumising sa kamalayan ng nakararami.
Si Rizal ay hindiisang “Super Hero” nabigla na lamang dumating upang iligtas ang mga naapi. Wala siyang kapa at sandata, walang kakaibang kapangyarihan: ang mayroon siya ay ang kakaibang kapangyarihan ng kanyang isip at ang kanyang andata ay pluma at tinta.
Naniwala si Rizal sa isang mapayapang pamamaraan ng pagkilos laban sa mga Kastila. Kaya’ tinakda at isinulat niya ang Noli Me Tángere at El Filibusterismo. Dalawang aklat na gumising sa kamalayan ng tunay na estadonang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Kastila.
Ang Noli Me Tángere ang isang nobelang isinulat ni Rizal na hango ang pamagats a Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong salingin”. Tinalakay ditto ang estadong tinaguriang “Social Cancer” noong mga panahong iyon. Sakit na unti-unting kumikitil at pumapatay sa lipunan at sa ating bayan. Gumuhit sa kasaysayan ang aklat na ito dahil sa pamamagitan nito ay namulat ang kamalayan ng mga tao na kinakailangan nila ng pambansang pagkakakilalanlan. Hindi lamang dapat sila sumunod sa mga mananakop bagkus sila din ay kapwa may karapatan sa Pilipinas dahil ito ay kanilang banyang tinubuan.
Sinundan ng El Filibusterismo ang Noli Me Tángere ang isang pang akat na isinulat ni Rizal. Ang titulong El Filibusterismo ay mangangahulugang “Ang Paghaharing Kasakiman”. Ang aklat na ito ang karugtong ng Noli Me Tángere. Mas pinasidhing aklat na ito ang hangaring magkaroon ng kalayaan mula sa mga mananakop at ipaglaban ang tunay nilang karapatan sa kanilang sariling bayan. Tinalakay ditto ang estadong pampulitika ng mga panahong iyon at tunay nitong kalagayan. Ang mas mataas na kapangyarihang mayroon ang Simbahang Katolika kaysa sa Estado ng Pamahalaan. Mas lalo nitong pinukaw at ginising ang isang baying malaon ng natutulog at nahihimbing sa matagal ng panahon.
Pinatunayan ni Rizal na hindi lamang sa pamamagitan ng bala  at baril ang paraan ng pakikipaglaban sa mga mananakop. Ang karahasan ay hindi lamang ang paraan.  Sinalamin ng Noli Me Tángere at El Filibusterismo ang tunay na kalagayan ng ating bayan sa ilalim ng pamamahalang mga Kastila. Isinalaysay sa atin kung paano tayo ay inalipin at inapi sa ating sariling bayan. Nag-ukit ng malalim na sugat ang mga pagmamalabis na ito na iyang mas pinasidhi ang hapdi at kirot ng mga aklat na ito upang magising ang bayan. Nahimbing sa mahabang panahon ngunit ng magising ay handa na itongl umaban at ipagtanggol ang mga nararapat para sakanila at ang kanilang karapatan sa sarili nilang bayan.
Sa panulat na ito ni Rizal umani man ng batikos at humantong sa kanyang kamatayan ang lahat. Nagsilbi itong malaking instrumentong kamalayan at iminulat nito ang mga mata natin sa ating tunay na kalagayan. Inibig ng Rizal ang Pilipinas na kanyang sariling bayan ngunit ang pag-ibig na ito ay hindi niya sinarili bagkus ay kanyang ibinahagi sa kanyang kapwa mamamayan. Pag-ibig ang gumising sa kanyang mga kababayan.
Nagbangon na mula sa pagkakatulog ang Pilipinas: panahon na ngayon ng pagkilos, pagkakaisa, at pagsulong nang ating baying nagising na sa kanyang malaong pagkakahimbing!.
By: jastine crisino manesca

4 (na) komento:

  1. Tunay ngang napakahalagang mabasa at malaman ng mga Pilipino ang mga aklat na ginawa ni Dr. Jose Rizal. Ito ang magpapatunay ng kalupitang ginawa sa atin ng mga Espanyol. Ang aklat kung saan namulat ang damdaming makabayan ng mamamayang Pilipino.

    Christian Brusola
    Contributor, www.ourhappyschool.com

    TumugonBurahin
  2. Pwedeng magtanong, kailan natapos ni Dr. Jose Rizal ang dalawang aklat at sino ang tumulong sa kaniya na mailimbag ang mga nobela?

    TumugonBurahin
  3. Sino pong nagnakaw Ng librong El fili at noli me tangere sa national museum?

    TumugonBurahin