Biyernes, Setyembre 14, 2012

“Ang Bagong Rizal”


“We die only once and if we do not die well, we lose a good opportunity which will never come up again.”

Ito ay isa sa mga nabanggit ni Rizal sa kanyang liham kay Mariano ponce na nakakuha ng aking pansin. Kung buhay pa siguro si Rizal sa panahon natin anu-ano kaya ang kanyang mga gagawin, interest,  at hakbang upang mapabuti ang kanyang sarili at ang kanyang bayan? Magkaka-asawa  kaya siya o itatanan niya ang kanyang iniirog? Uso naman kasi ang leave in partner ngayon. Idadaan kaya niya ang kanyang pangliligaw sa pagtetext o panghaharana?

Kung si Rizal ay magiging isang opisyal ng Gobyerno at magsasalita sa harap ng maraming tao, magpapatawa kaya siya at babanat ng mga pickup lines na patok sa masa kasi karamihan ng mga pulitiko ay idinadaan na lang sa pagpapatawa ang laban upang manalo sa boto ng tao at pag nanalo na ay babawiin lahat ng kanilang na gastos sa kaban ng bayan.

Siguro maaadik din si Rizal sa paglalaro ng computer games kasi halos lahat ng tao ngayon marunong na gumamit na computer. Marami din siguro siyang hinihingiang number ng babae kasi noon pa man marami na siyang naging karelasyon panu pa kaya ngayon na lalo pang dumami ang mga magaganda sa paligid, siguro hindi siya magpakali sa kakaisip sa kanyang mga babae. Kung si Rizal ay buhay pa ngayon sino kaya siya para sayo.

By: Viernes, Virgilio Ullyses C.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento