Kung si Dr
Jose Rizal ay buhay, siguro ay hindi siya magiging isang bayani. Bakit? Dahil
kinilala lang naman sya bilang "bayani" pagkatapos siya patayin ng
mga Espanyol. Itinuturing bayani ang isang tao kapag ito ay namatay na.
SI RIZAL BILANG BAYANI: Ang ganitong parangal ay nararapat
lang na ibigay sa isang taong naglingkod sa bayan ng walang pag-iimbot at
nagpamana sa lahing Pilipino ng mga turo at aral na nagpapatuloy
magpakailanman. Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung ihahambing siya kay
Bonifacio ay malayung-malayo ang agwat nila pagdating sa talas ng pag-iisip.
Matalino ang ating pambansang bayani. Katunayan dito ay ang mga nobela at mga
akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga
Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito. Mahusay siyang mag-isip at
madaling matoto sa ibat-ibang bagay. Siya ay isang dakilang tao, maraming
talento at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng bayani sa buong mundo ay
bukod tanging ang buhay niya ang may pinakamaraming naitala sa kasaysayan.
Katunayan, hindi sasapat ang isang araw para pag-usapan ang kanyang buhay. Sa
kolehiyo ay isang asignatura ang inilalaan para pag-aralan ang kanyang buhay sa
loob ng isang semestre. Marami pang natatanging katangian ang ating pambansang
bayani. Marami pang mahahalagang bagay ang kanyang nagawa. Marami pang dapat
pag-usapan tungkol sa buhay niya. Pero ang mahalaga sa lahat ay ang makilala
siya bilang isang huwarang Pilipino pagdating sa paglilingkod sa bayan, bilang
isang mamamayan na marunong lumaban sa mga mapang-api sa pamamagitan ng
mapayapang paraan, at isang bayani na karapat sa kanyang kinaluluklukan. Si
Jose Rizal ay isang tao rin katulad natin. Ang katulad niya pagdating sa
katangian ang malaking kulang sa ngayon sa ating mga Pilipino. Bawat isa ay
maaring maging bayani katulad niya. Maaring hindi na siya mahigitan ninuman sa
kasalukuyan, ngunit ang mahalaga ay ang maging kaisa niya pagdating sa isip, sa
salita at sa gawa para sa kabutihan ng bayang pilipinas.
Ano kaya ang
buhay ni Rizal kung hindi siya ang tinaguriang bayani? Paano kaya kung nag
kaanak si Rizal sa lahat ng mga babaeng naging parte ng buhay nya? Ito ang mga
katanungang gusto kong masagot.
Sinasabing si
rizal ay isang palikero simula noong siya ay labinlimang taon. kahit na ang
unang batang babae sakaling mahuli ang mata ng batang Pepe na si Julia. Nakita
niya ang isang maganda, batang babae suot ang pulang palda na sinusubukan upang
mahuli ang dalawang Paru-paro. Ito nga si Julia. Jose at Julia ay musmos pa
lamang at masyadong batang at inosente upang magkaroon ng tunay na relasyon sa
oras na iyon, kaya sila ay nagkahiwalay. Dito ay masasabi na nating palikero
talaga si Rizal sa panahon niya. Kung si Rizal ay hindi bayani siguro ay isa
siyang ama. Isang ama na may simple at
mapayapang pamumuhay. At doon na nagsimula ang kwento ng buhay pag ibig ni
Rizal habang siya ay lumalaki.
Para sakin siguro para siyang si “DOLPHY”.
Isang responsableng ama at may mabait na kalooban. Na sa bawat problemang
haharapin ay dinadaan lang sa tawa. Nagka roon man ng maraming babae sa kanyang
buhay at nag karoon ng mga anak. Ang lahat namang ito ay nabigyan niya ng
pansin at nag karoon ng pantay-pantay na pagtingin. Minahal ang mga anak at
maraming tao ang pinasaya. Ayan si Rizal para sa akin kung siya ay nabubuhay at
hindi naparangalang bilang bayani ng ating bansa. At katulad din ni Rizal noong
namatay na si Dolphy saka siya binigyan ng parangal sa ating bansa. Na noong
nabubuhay pa lamang ay nagbigay na ng magandang impluwensya sa atin. At hanggang
ngayon na sila ay namatay na patuloy na may mga bagay na nagpapa alala sa atin
noong sila ay nabubuhay pa lamang ang mga kabutihang kanilang ginawa sa ating
bansa. Bilang isang PILIPINO.
by: Arlynn Raquel
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento