Biyernes, Setyembre 28, 2012

INSPIRASYON ng mga Pilipino: JOSE RIZAL


            Maraming naiambag sa ating kasaysayan si Jose Rizal, katulad na lamang ng kanyang dalawang immortal na mga nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na syang nagpaalab sa mga damdamin at nag mulat sa mga mata ng mga Pilipino upang mag aklas laban sa pamahalaan ng espanya. Marahil nga ito ang dahilan kung kaya’t siya ang itinakdang pambansang bayani ng ating bayan. Ngunit ano nga ba talaga ang batayan ng isang pambansang bayani? Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na ito ay isang tao na makapag-papaaalab ng pagiging makabayan nating mga Pilipino.

               Bata palang  ako ay siya na ang paksa ng mga leksyon sa paaralan kapag pagiging makabayan ang usapan. Saakin bang palagay ay siyanaang ULTIMATE of the HEROES na para bang naisasantabi na ang iba pang mga bayani kung sa mga achivements din lang ang paguusapan. Subalit isa nga ba syang tunay na makabayan? Habang pinagaaralan ang buhay nya at pagkatapos manuod ng mga dokyumentaryo ukol sakanya, naging question sa akin ang kanyang pagiging makabayan, ito ay sa kadahilanang mas ininais nya ang reporma kaysa sa rebolusyon. Marahil nga ang kanyang mga nobela ang syang inspirasyon ng katipunan ngunit, ang hinangad nya para sa bayan ay maging isang probinsya lamang ng espanya kaysa maging independyente. Mas mabuti nga kaya ang kanyang solusyon noong mga panahong iyon? Hindi ba mas mainam na tumayo tayo sa ating sariling mga paa?

          Sa aking palagay tayong mga Pilipino ay may kakulangan sa ating pagiging makabayan. Let’s face the fact. Masasabi bang makabayan ang mga kurako na pulitiko? Makabayan ba tayo kung mas tinatangkilik at mas may WEIGHT satin ang produktong imported? Bakit ba mas may dating satin kapag may halong ibang lahi ang mga artista ng napapanuod sa local na telebisyon? Bakit hindi purong Pilipino ang ating pambansang bayani? Ang pambansang bayani ay isang inspirasyon at sa ngayon kung ako ang tatanuning, Jose Rizal does not fit the job. 

By: LIANA JECYNTH  LIM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento