Sa tuwing
ako’y naglalakbay hindi pwedeng hindi ako makakakita ng rebulto. Rebultong sumisimbulo
sa mga taong matagal nang pumanaw. Mga ebultong hindi ko alam kung bakit naisipan
pang ipatayo. At mga rebultong kadalasang imahe ng bayani ang tema. Ngunit sa lahat
ng aking nakita, may isang rebulto ng bayani ang umangat sa ahat. Nakikita natin
itong nakatayo sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Kadalasan itong nakapwesto sa
harapan ng isang paaralan o di kaya samunisipyon ng isang bayan. Ang inutukoy kong rebulto ay yung may hawak na
libro at nakatingin sa malayo, ngunit sino nga ba ang rebultong ito?
Ang
rebultong aking tinutukoy ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani na si
Dr. José Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda, o “Pepe” for short. Sa aking buhay eskwela, hindi
pwedeng hindi ko mapag-aaralan ang buhay niya. Hindi sa nagsasawa na ako, pero bakit
ba kailangan paulit-ulit? Sa pagkakaalam ko hindi naman nag babago ang petsa ng
kanyang kapanganakan at kamatayan, ang bilang nang kanyang mga kapatid, pangalan
ng kanyang mga magulang at bilang nang kanyang naisulat na literatura. Pero bakit
kailangang paulit-ulit nalang? Bakit?
Kung
ating iisiping mabuti may dahilan kung bakit natin patuloy na pinag-aaralan ang
buhay ni Pepe. Sa aking pananaw, pinag-aaralan natin ito dahil sa kanyang mga ideya
at pilosopiya na naghahangad ng pagbagon ng bayan. Para maingganyo tayong makiisa
sa mga gawaing pang publiko na naglalayong mapaganda ang sistemang panglipunan ng
bansa. Bukod dito, patuloy nating pinag-aaralan ang buhay niya upang ituro
satin ang importansya ng pagiging mabuting anak, isang responsableng estudyante,
at pagkakaroon ng lakas ng loob naipaglaban ang alam nating tama. At upang mahikayat
din tayo na mahalin at pagsilbihan ang ating bansa sa abot nang ating makakaya.
Dahil sa mga nabangit kong dahilan
kung bakit tayo patuloy na nag-aaral ng Rizal, ito na din marahil ang dahilan
kung bakit siya ay nararapat na pagpatayuan ng rebulto. Ang rebulto ni Rizal
ang magpapaalala sa atin nang kanyang kabayanihan at wagas na magmamahal sa bayan.
At upang hindi natin makalimutan na may isang Dr. Jose Rizal na nagbuwis ng buhay
para sa ikaka-unlad ng bayan.
By: KING LOUIS C. INGUITO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento