Past is Past
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa
paroroonan”
(Applicable
ba? Hehehe)
Ilang minuto na ang nakakalipas, at ilang minuto ko na din kaharap
ang laptop na’to wala pa din akong maisip na i-type tungkol kay Rizal. Bukod sa
naunahan ako sa paksang gusto kong talakayin eh talagang hindi nagana ang utak
ko.
Titig sa
blangkong papel na kaharap ko (Microsoft Word)
ALT-TAB papunta
sa Facebook.
ALT-TAB ulit sa
Microsoft Word.
ALT-TAB ulit sa
Facebook tapos Twitter.
Kusot ng mata,
comment dito comment doon.
Like dito, like
doon.
Tweet dito,
tweet doon.
Ang hirap naman
-__________________________- Ano ba kasing magandang talakayin dito? LIMOT ko
na kasi yung mga napag-aralan ko tungkol sakanya.
Ang sitwasyong ito ay kawangis sa realidad. Madalas kong maisip na
ang pag-aaral ng Rizal ay sabit lamang sa mga subjects na mayroon ako, lalo na
nung highschool. Madalas pa nga akong magreklamo dahil sa tambak na mga dates
na kailangan kong kabisaduhin upang makapasa. Lagi naming sambit: “Ano bang
maitutulong nito, pag nag doctor ba ako tatanungin ako ng pasyente ko kung
kelan namatay si Rizal?” at ang mga katagang: “Di naman makakatulong to sa
course ko!”
Ito marahil ang dahilan kung
bakit karamihan sa’ting mga pinoy eh mayroong National Amnesia. May napanood
kasi akong documentary na tinatanong nya ang mga tao tungkol kay Rizal at mali
ang mga sagot. Oo nakakatawa, pero kung ating titignang mabuti, parang
nakakasama naman ng loob. Moderno na kasi masyado tayo ngayon, ang alam nalang
natin eh Facebook: comment, like, share… Twitter: tweet, favorite, retweet… at iba
pa! Pero pag tinanong tayo kung kalian ang birthday ni Rizal eh NGANGA ang
masasagot natin, malalaman nalang natin na kaarawan nya kapag walang pasok kasi
holiday, doon lang tayo magiging aware…KAMUSTA NAMAN?!
Sinusubukan kong ilagay ang
sarili ko sa katayuan ni Rizal, kung buhay man sya ngayon malamang sasama ang loob
nya sa’ting mga Pilipino, pero satingin ko PATULOY PA DIN ANG KANYANG
PAGLILINGKOD SA PILIPINAS at ito ang gusto iparating ni Rizal sa atin. Sa aking
palagay, kaya natin pinag-aaralan si Rizal ay upang matuto tayong maging
makabayan. Iminunumulat nya tayo sa realidad at tinuturuan tayong lumaban para
sa kalayaan. Isinusulong nya ang tama sa mali. Hindi naman ito para sa dates
lang eh, ito ay para sa’ting mga Pilipino at sa ikagaganda ng bansang ito.
–Nuisa, Aylyn SC.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento