Ang
buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ay nagsilbing patnubay sa
lahat ng Pilipino at sa kabataan tulad ko. Sa mga nobelang kanyang mga
nailathala ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang mga librong ito ay
nagtataglay ng mga gintong kaisapan, walang kapantay na pag-ibig sa bayan at
ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan. At dito masasabi natin na mas nakilala
ang ating bansa dahil sa dami ng bansa kanyang napuntahan at doon din makikita
na siya ay nakilala sa ibat-ibang panig ng daigdig lalo na ang bansa Europa.
Meron pa kayang hihigit sa ating
pambansang bayani sa kadakilaang kanyang ginawa? Ngayon, Pasasalamat! Pasasalamat
ang nais kong ipahayag sa kanya dahil sa kanyang taglay na
katalinuhan, pananaliksik at paglalakbay upang maisagawa ang kanyang pagibig sa
bayan at dahil dito nakamtam natin ang demokrasyang ating hinahanap. Sa
pagmulat sa ating kababayan na kung ano nga ba ang totoo kalagayan ng bansa at
maunawaan ang pagdudusta at pang aalipin ng mga dayuhan sa ating mga ninuno at
matutong ipaglaban kung ano ba ang dapat para sa nakakarami at lalo na kay
Inang Bayan.
Sana matutunan din natin masuklian
ang paghihirap ng ginawa ng mga bayani sa ating bansa. Hindi man sa pagsulat o
pakikipaglaban gamit ang dahas kundi ang mas kilalanin at mas pagyamanin at
pagunlarin pa natin ang ating
bansa
kahit sa pagbabasa lamang ng tungkol sa kanila upang dagdag kaalaman kung sino
ba sila at kung ano ang kanilang ginawa para sa atin.
By: Sheryl Abudanza
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento