Sinubukan
kong tanungin ang mga kakilala ko tungkol dito at nakakalungkot na hanggang
ngayon, marami pa rin ang hindi nakakaalam ng tamang sagot sa katanungan na
ito. Hindi ko rin naman sila masisi dahil may iba- ibang pananaw ang bawat isa
at hindi naman lahat ay napaliwanagan tungkol sa buhay ni Rizal simula
pagkabata hanggang sa kanyang pagkamatay.
Ano nga ba talaga ang sagot? Sabi
nila “Rizal made history” dahil sa mga nobela ni Rizal namulat ang kamalayan ng
mga Pilipino at nagbunga ng mga pag-aalsa laban sa mga mananakop. May punto
sila, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na insinulat ni Rizal ay
malaking parte ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa katunayan ay nakilala rin ang mga
nobelang ito sa ibang bahagi ng mundo at naisalin sa iba’t ibang wika.
Ang Noli Me Tangere ay hango sa
“Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe. Inilarawan ni Rizal sa Noli Me
Tangere ang kalupitan ng mga dayuhan at prayle sa mga Pilipino. Samantala, ang
El Filibusterismo ay pumapaksa sa paghihiganti ni Simoun laban sa gobyerno ng
Kastila. Pero bakit nga ba isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo? Ginawa ni Rizal ang Noli Me Tangere para maipakita sa mga
Kastila na handa siyang ipagtanggol ang bansa gamit ang mga salita. Inialay
naman ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong paring martir. Ang pagpatay sa
GomBurZa ang isa sa mga naging dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo ng mga
Pilipino, isa na nga rito si Rizal. Sumulat din siya ng mga artikulo sa La
Solidaridad dahil gusto niyang magkaroon ng pantay na pagtrato ang mga Kastila
sa Pilipino. Ibig sabihin naimpluwensyahan si Rizal ng mga pangyayari noon para
siya maging isang bayani sa madaling salita, “History made Rizal”.
By: Rosel Beata B. Balaga
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento